My Life with Essays.ph


It all started when I was in Grade School. Best in English ako lagi at kagalang-galang yung mga sinusulat ko. Kahit sa mga Formal Theme lang eh natutuwa lagi mga teachers ko. So masaya din naman ako.
It was then that I realized writing is my passion.
Mula nun, kasali na ako lagi sa school paper. Hindi ko habol nung una yung position, pero afterwards nagstrive na ako para maging significant yung voice ko sa school paper. Ayun, ok naman. Ang naging ending, News Editor (English) ang lola mo kasi masyado na busy sa acads.
To cut a long story short, my passion to write continued on. Mula noon, hanggang ngayon.
Tapos nagwork na ako. I’ve worked for 6 years sa call center. Halos lahat na yata ng line of business, nadaanan ko na. Pero hindi ko pa din binitawan ang pagsusulat.
Sa kalagitnaan ng call center life ko, dumating ang Essays.ph. 2009 yun, nakita ko yung post nila. Sabi ko, eto na yata yung hinahanap ko. So what I did was to fill out the form and submit my details.
Aba biglang nagrespond si Boss Cyberpaul! Magsubmit daw ako ng screening sample for review. Yun nga lang, nagpapalit ng topic so whenever I try to submit, nagdadalawang-isip ako kasi baka invalid na din. Saka I was in doubt – baka scam ‘to, masyadong too good to be true.
Years went on. Kung anu-ano na napagdaanan ko. Heartaches, financial problems, sakit ng katawan, tonsillectomy… Tapos for all those years, nakatambay lang ung e-mail nila sakin.
This February 2013, I took the plunge. I submitted a screening sample and the topic I chose to write about was the one about “Pregnancy over 40”. Sabi ko, bahala na, basta magsusubmit ako.
Thankfully, maganda ang timing ng Essays.ph. I became a part of the Red Team when times were getting rough financially. Mababait din yung fellow writers ko, kahit yung mga taga-Blue Team (the Elite writers), approachable din. Nakakatuwa. Sumasagot sa mga forums kahit yung mga editors.
So far, ang ambition ko eh maging Blue muna, tapos maging Purple someday. (The Purple Team, btw, are the editors. Mangangarap din lang, eh di itodo na. Hehehe) And speaking of the Purple team, I adore them. Walang power-tripping na nagaganap. They always have to review my work, and kahit na may revisions, sinasabi ng maayos. Hindi yung tipong nakakahiya at nakakapanliit.
Galing ako sa call center industry so the usual Php300 (kung medyo paeasy-easy kang kagaya ko) is just the average for me. Pero ok lang, I don’t regret anything, kasi dito eh hindi ako stressed,  saka pwede ako gumising ng late tapos saka magttrabaho. Pwede ako kumain anytime, tapos hindi ko na kailangan umalis ng bahay.
And I won’t consider na maliit ang sweldo dito kasi dahil sa salary ko, nakapagbayad ako ng tuition ng kapatid ko. So I’m really thankful.
May offers nga sakin bumalik ng call center eh, yung iba eh supervisory post na, pero for now, I chose to be a part of Team Reinforcements (kami yung may ‘regular’ na assigned articles every day. Regular din ang points at income. Hehehe). Mas challenging. More work, more fun.
Essays.ph is not something I’ll be letting go for the years to come. I get to interact with a lot of people, I learn a lot and I’m having fun. Totoo nga pala yung kasabihan, na ‘find a job that you love, and you’ll never work a day in your life.
                                                                                                 
Well, I gotta go, magsulat na ulit ng bagong article J
Advertisements

9 thoughts on “My Life with Essays.ph

  1. Nice blog! By the way I am Gladys (ladymelancholy), part of the RED Team of EPH! Just happened to notice you by your thinkerbell picture.. cute ei.. Nakakarelate aq seo.. kahit d nga malaki ung sahod with EPH, so what? as long as we're enjoying it d ba? hehe..

    Like

  2. same here. i'm new at eph. sa totoo lang ngayong naging part na ako at nakakuha na ng assignments, para bang i'm finding more interest in making it as a regular work rather than teach in college, although both are my interests xD i really loved writing although i wasn't able to become a part of any publication. naging outlet na to ng passion ko 🙂

    how did you become part of the Team Reinforcement? ;p i also want to have a regular income haha!

    Like

  3. naku hindi naman talaga sya regular income na tipong may fixed ka every cutoff. 🙂 yun ung tipong everyday eh may naaassign, so may pending assignment ka lagi na naghihintay mareview 🙂

    kung interested ka, let Ms. Cla know. malay mo, pwede. un eh kung may time ka naman db 🙂

    Like

  4. haha oo nga po. eh aun, obviously, kung palagi kang may pending assignments, parang regular income na rin. hehe ;p i wanted to have a better schedule rin kaya ko po natanung. with teaching kasi (sa college), kakailanganin mong mag-uwi ng paperworks. at minsan nakakapagod na rin. if i'll be part of the TR atleast palagi akong may ineexpect na assignment that can be translated to income pag na-approve. mas priority pa yata nilang i-check ang regular FAs. hehe ;p are there any special reqs ba before you're accepted? red pa lang po kasi ako at green ka na. baka green or higher lang ung tinatanggap. hehe ;p

    Like

  5. red ako nung nagstart ako. para ngang mas preferred nila ung red para more exposure to assignments. 🙂 para mas madali mareview ung sets na kinukuha mo, try to get ung highlighted sets (green/yellow), mas mataas priority nun. 🙂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s